Thursday, October 06, 2005

Sino ako?

Ako ay ako yun lang ang masasabi ko sa nilalang na naglilimbag ng mensaheng kasalukuyan ninyong binabasa....

upang bigyan ng masigasig na introduksyon sa simple at alibughang buhay na naranasan ng isang hamak na nilalang...hayaan kong ikwento sa inyo ang aking buhay noon at ngayon....

Ako ay si Carlos Patiag Depante, caloy kung tawagin ng mga kaibigan at malalapit sa akin , Loy kung tinatamad sambitin ang mga unang letra at kung ma pamilyar ang isang tao sa akin, Mr Depante naman para sa mga professional, teacher, mga di ko pa kilala ng lubusan at mga taong napapasulyap sa kalunoslunos at malaswang apelido, Carlo Ray at Carlos kung galit ang mga tao sa akin, kung damdam ko ang mabantot at maka banyagang pangalan, kung nalulumbay at may problema, kung gustong hanapin ang tunay na kaytauhan, kung hindi handa sa kasalukuyang darating at kung nais maghanap ng kasagutan sa mga tanong na walang kasagutan....
1. Ang simula ng Agos
Isinilang ako sa probinsya ng Nueva Ecija, bayan ng luklukan ng mga nag-aararo...nag-aararo sa patag na kabukiran. malayo sa kabihasanan pero malapit sa kalooban ng simpleng kanayunan. isang araw ay isinugod ang aking nanay sa Ospital Ng Cabanatuan... masigasig na naghintay at nangamba ang aking ama habang sa loob ng silid paanakan ay naire ang aking nanay...sa kabutihang palad...isang malaking luwad ang lumabas sa sinapupunan....ito'y ako...
Sa pagmulat ng aking mga mata'y nakita ko ang aking kapatid at ang aking ina na nag aaruga sa akin. sila ang madalas kong kapiling sa duyang nakasabit sa ceiling. Una kaming nanirahan sa payapang bayan ng Cabanatuan sa bariong Kapitang Pepe ang pangalan.. di ko unang nakita ang kagandahan ng mundo.
Sa di inaasahang pagkakataon ay nilalaro ako ng kung sino sino mga kapitbahay, kasambahya, aso, at mga katrabaho ng aking mga ama...pero ni isang alaala ay di ko matanto...nakikita ko lang sila sa mga letratong kinuha ng aking ama o di kaya ng aking ina....ang alam kulang gawin ay mag-likot, kumain, umiyak, magkalat at magdumi sa higaan at higit sa lahat ay matulog...iyon lang at wala nang iba pa
Mayamaya lamang ay inutusan ang aking ama ng lola kong luka na nanay ng ama kong magaling na dalin kami sa Cabuyao, Laguna....ang bayan ng aking itay.. kaya minabuti ng aking ama na dalhin kami sa Cabuyao...
Sa cabuyao ako nag kamalay at nag simula ang bagong kalbaryo ng buhay...pero nagpapasalamat ako dahil isinilang ang bunso kong kapatid sa nasabing pook...kaya ngayon tatlo na kami. Si Ate ako at ang aking bunsong kapatid. sila ang aking katuwang mula noon hangang ngaun...
Ang simula ng isang agos ay nagmula sa isang patak...hangang sa naipon ang patak na ito upang maging lupon ng tubig...ganito din ang simula ng sadyang buhay.....
Hangang dito na lang muna ang aking pagpapakilala...sa susunood na araw ko na lang ito daragdagan (kung mayroon pang bukas para sa akin)...matraming salamat sa pagbabasa...

1 Comments:

At 11:56 PM, Blogger Carlo_Ray said...

wehehehhehehe

 

Post a Comment

<< Home