Sunday, July 01, 2007

mga gawain na gusto kong makamit bago at pagkatapos kong maggrad

Ano ano ang mga gusto kong magawa bago makatapos ng college

1. magkaroon ng bagong image
2. mawala ang man boobs na pinipiga ng mga tao lalong lao na kung aliw na aliw sila dito, o di kaya nandidiri samala apa nitong hugis
3. mapaganda ang thesis ko
4.maayos ang aking beloved section, ang filipino section
5.makasweldo ng mga 20,000 hahahaha
6.maging isang magaling na graphic artist, animator at multimedia artist
7.mabili ng isang something ang aking mga kapatid mula sa aking unang sweldo
8.magkaroon ng bagong girl friend pagkatapos ng 3 taong paghihintay
9.magkaroon ng girl friend na tatangap sa aking pakkatao ng buong puso' t kaluluwa
10.mayakap at mahalikan siya ng buong pagmamahal
12.sabihan siya na mahal na mahal ko siya
13.mag date kami at malibre ko siya sa isang primyadong kainan
14. manood kami ng sine habang nagkikilitian(corny pero masaya)
15.magalak sa sarili ko, dahil hindi ko pa ito nagagawa kailanman
16. malaman kung gaano nga bang kahirap magpiga ng deded ng baka
17.makasakay sa eroplanong mag tatake off....di katulad nung sa nursery field trip...sumakay kami sa airplane....kaso umikot lang sa airfield hahaha.
18. malaman kung paano ginagawa ang matitigas na cake....yung may matigas na coating...at ako mismo ang gagawa
19. makagawa ng napakagandang artwork na sasabihin kong "wow...ako ba gumawa nito"
20. magkaroon ng magandang trabaho kahit OJT lang man....na maramdaman ko na isa na akong empleyado na ginagalang sa kanyangkatangian at sa kanyang kakayahan
21. magbalik loob sa panginoon.
22. humingi ng tawad sa mga nagawan ko ng kasalanan
23. yakapin ang mga magulang ko at sabihin na mahal na mahal ko sila
24. ibili ang kapatid kong si Claud ng regalo pambawi sa hindi ko pagdalo sa kanya sa kanyang graduation
25.magipon pangpagawa ng cage ng 30 pusang persian royalties para maiwasan ang pag bake nila ng di ka aya aya nilang mga cookies hahahhahahhagha
26. magipon pang upgrade sa computer kong lugo-lugo na
27. magreunion kasama ang mga D5U friends
28. balikan ang Roxas, isang lugar na di matatangal sa aking puso't isipan
29. makasakay ulit ng barko
30. Bumalik sa CHild Jesus Academy, upang magturo kahit kaunti ng nalalaman ko sa buhay
31. maglakad kami ng girlfriend ko sa baywalk, kahit amoy talaba na hindi pa nagigisa ang amoy ng hangin
32.kumain ng isang galon na ice cream
33.mapalitan ang tabs na monay sa abs na pandisal with cornbeef inside
34. makapunta sa isang BAR....alam nyo na yung may mga kulasisi na sumasayaw....hihilahin ko lang naman sila at pagbibihisin ulit hahaha...
35. makatulong sa isang taong ligaw...(ligaw sa kanyang buhay)
36. maging isang huwaran na tao
37. mabawasan ang laway na tumatalsik habang ako'y nagsasalita
38. mabawasan ang pagiging madaldal
39. pumunta sa sagada at umakyat sa rice terraces
40. ibuking ang nangangaliwa kong ate...sa harapan mismo ng kanyang panot na BF...kung hindi pa siya magtitino.
41. mag bungee jumping
42. makabili ng bagong polo na long sleves na kakasya sa akin habang pinaliliit ko ang namumukol na dibdib
43. maging isang inspirasyon sa mga tao....(kahit alam kong wala
44. makapag paint ng isang buong dingding
45. makita kung paano talaga ginagawa ang tunay na chinese rice noodles

yun lang hangang sa ngayon....namamaga na daliri ko
gagawa pa ako ng mulbis mamaya hahahhhahya

sana di ako tamarin at makapag blog ulit ako

hindi dito nagtatapos ang agos ito'y magpapatuloy...

Ang muling pagbangon sa pagkakahimlay

Kumusta na mga katoto

pagkatapos ng dalawa't kalahating taon....ngaun lang ulit ako nag post hahah

sa loob ng dalawa't kalahating taon marami ng nangyari. kailan lang medyo payat pa ako
ngaun tingnan mo para na akong unan hahahhaha....

masarap sanang magkwento kaso wala akong gaanong panahon....at may mga balakid pa sa ngaun

ano ano ang mga balakid na ito

1. wala ako internet hahahhaha, nag ninitro, nakiki internet kina bordge at byron hahaha
kapal mukha ko no hehehe
2. daming gagawin, isang taon na lang graduate na ako,

hahahahhahah isang taon na nga lang marami pa rin akong hindi nagagawa bago matapos ang taon

huhuhuhuhuhuhu

sana hindi dito nagtatapos ang muling pag-agos haha, nawa'y maging kahindik hindik ang mga alon para sadyang ganahan ang maliit na kulimagmag na dinadala nito.

Sunday, November 20, 2005

Ang Batong Puso at ang Pagtibok nito

Mantakin mo! ang bato pala ay maaring gumalaw...gumalaw tulad ng mga dahon sa mga puno at ulap sa kalangitan.Bagkos ang bato ay isang matigas na bagay sa paglipas ng panahon ay nalambot din. ang maliit na bato...mahirap warakin ay nadadala ng agos sa karagatang malalim at titigil lamang kung nasok sa isang kipot, napadpad sa tuyong lupain o di kaya tuluyang lumubog sa karimlan ng dagat na di makapangbitin. Ganito ang nangyari sa tanang buhay ng inyong abang lingkod....

dati ang pagmamahal ay nakatuon lamang sa iilang mga bagay....Sa pamilya (nanay ko mga kapatid kong babae..minsan ang tatay ko at ibang malalapit na kamaganak), sa panginoon, sa ilang kaibigan, sa sarili at sa mga materyal na bagay (katulad ng mga robot ko, pagkain, mga alaga at iba pa). ang pagmamahal sa kaibigan ay nalilimitahan lamang sa kanilang mga panganagilangan at sa pag-gabay lamang sa kanila...wala nang lalagpas doon. Ang pagmamahal sa kabaligtarang kasarian ay sadyang maselan sa akin noon. nagbigay ito ng interpretasyon na hindi pa ako handa para ganitong relasyon at sadyang napakabata ko pa...miski ang pagkakaroon ng paghanga o pagkagusto (crush sa ingles) ay natatago lamang sa akin at kalimitan ay ikanakaila ko dahil iba nga ang ibig sabihin nito sa akin....
Siguro ay di ko pa nga talagang alam (o di kaya mangmang pa ako) noong magdahilan ako noon.
Sa kasawiang palad ay nagbago ang ihip ng hangin...di ko rin ito natigilan....mangmang lamang ang pumipigil sa nararamdaman bagkos ay kailangan itong hawakan ng maigi...nasa tao kung paano niya ito ilalabas at pananatilihin. Una akong nagkaroon ng pagtingin sa isang kaklase na naglaon ay naging aking kaakibat sa highschool....naging masaya kami ng ilang mga taon pero di naglaon ay nalaman ko na masakit pala ang magmahal. Kung ano ang dami ng naibuhos mo ay siya ring dami ng sakit na mararamdaman ko. Dito ako unang napaiyak dahil sa pagmamahal....dito ko unang nasabing kamangmagan ang magmahal....sayang lang ang oras pagod at damdamin na ibinuhos mo dito...malungkot mang isipin di ako nagtatagal sa mga relasyong ito....siguro di ko pa oras....kailangan ko lang maghintay na humupa ang alon at mapadpad sa isang lugar na kukupkop at aangkop n sa munting batong inalon ng emosyon, kakisigan, paghanga at paniniwala sa isang tao....

Nakadalawang relasyon na ako at ni isa sa kanila ay di nagtagal.....siguro kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Natutunanan ko na di ka makakapagmahal kung di mo kilala kung ano ka, kung ano talaga ang gusto mo at kung ano ang tunay mong pakay sa pagmamahal... Bagkos ang pagmamahal ay sadya lamang nalitaw sa bingit ng kalungkutan at pag-iisa...ang paghahanap ng katuwang para sa akin ay di ang tanging paraan...

Siguro matutruan ko ring mahalin ang iba kung naturuan ko nang mahalin ang aking sarili....darating din ang panahon at biglaan lamang na dadaloy sa tuyong mga parang ang agos na bubuhay sa damdaming natigang ng pagkalumbay.....Sa katunayan ay unti unti ko na siyang nararamdaman...di ko alam kung bakit pero sadya itong mistreyoso...alam kong nandito lang iyon ngunit nasa akin kung paano ko bubuksan ang pusong hikaos at ang mga matang nabubulag ng kagandahang huwad....Sanay malaman ko kung nandito na ba o parating pa lamang ang aking hinihintay...

Saturday, November 05, 2005

Ang Mataas na Paaralan

Ang Mataas na Paarlan, ay isa sa mga nagpataas ng aking katauhan, humubog kung ano ba ako, at nanghimasok sa aking kaloob looban. ito rin ang nagsilbing pamantayan ng aking kaalaman at espiritwalidad. dito rin ako natutong makisalimuha ng lubos; sumama sa magugulong tao, maki ayon sa di mo kagustuhan upang maging "in" sa kanila, mapahiya sa maraming tao, maging huwaran, maging anagta sa iba ngunit di pustura sa karamihan, maging linta upang makaagapay, maging tunay na tao, masaktan ng lubusan, at higit sa lahat.....matutong magmahal....magmahal sa kapwa, sa pamilya, sa diyos, sa natatanging iba at sa sarili...dito ko lubusang naintindihan kung ano ba ang buhay, bakit ba tayo nandito at para saan lahat ng ito...

Kung inyong mararapatin, masasabi kong baliw ang aking Mataas na Paaralan. "iba siya sa iba" kakaiba ang aking paaralan dahil sa mga patakaran at pamamalakad na pinapatupad dito. iba ang disiplina at turo sa aming paaralan. kahit sabihin na nating mahina ito sa akademikang matematika at siyensya...natatangi pa rin ang social, ingles, filipino at musika...bagamat medyo sablay sila sa larangan ng religio dahil di ko ito nadadama...nadadala ng mga estudyante and matinding disiplina na pinapabaon sa mga estudyante (ngunit nasa estudyante pa rin kung paano niya ito mapapanatili). Kakaiba din ang aura ng kapaligiran dito, para kang nasa monasteryo dahil bawal ang mag ingat."hold your lips","Speak english""form your line" ito ang mga katagang di ko malimutan sa paaralang iyon. Makikita din ang kabaluktutan ng paaralang ito sa pagmamasid sa mga may hawak na kapanyarihan...ang mga sipsip! Sa maliit na Bario ng Cabuyao, kakaunti lamang ang tunay na mayaman, kalimitan dito ay may kaya o di kaya talagang mahirap. Ang paaralan ko ay itinuturing na isa sa pinaka magandang paaralan sa lugar na iyon kaya walang mapagpilian ang mga pamilyang nasa klas "A" na papasukin ang kanilang anak sa paaralang de klase. Kaya minsan ay namumtawi ang kanilang mga pagkaiba sa ibang mga estudyante sa paarlan... sila minsan ang nagiging alapores ng mga guro. ngunit kahit ganoon man ang nangyari, wala pa ring tatalo sa mga estudyanteng may mga tunay na kakayahan...parati silang nabibigyan ng parangal o di kaya natatangi sa mga karaniwang estudyant ngaun....
Sa ngayon ay malayo na ako sa paaralang ito pero nalulugod pa rin ako na naging parte ako ng institusyong ito...Ako'y nagaglak dahil sa mga sumunod na henerasyon ng eskwelahang ito...napatunayan nila na umaasenso rin ang paaralang ito kahit paano. Marami rin akong maitatapongmga alaala at marami rin akong mababaon na pagpupunyagi, katangisan,hinagpis at pagsasalamat buhat sa paaralang ito na naging bahagi ng aking buhay at ng aking pagkatao.

Tuesday, October 18, 2005

Ikalawang Yugto: edukasyon

sa karalitan at sa kamumusan ng iyong linkod, napag pasyahan ng aking butihin magulang na pag aralin ako sa medyo de klaseng paaralan. Pinapasok ako sa CJA, isang paaralan na matatagpuan sa aking bayan. Itong paaralang ito ay pinamumugaran ng mga Penguin na mamatandang dalaga. ito ay pinamumunuan ng isang pamilyang nagngangalang Baterina.

Ang paaralang to ay sadyang kakaiba dahil sa istriktong pamamalakad at sa kakitiran at kalumaan ng mga nag hihikahos na isip ng mga nanunungkulan. maraming bawal at minsan ay di pantay ang pag tingn ng mga guro sa kanlang mga eskwela.

Akala ko di ako makakaagapay sa maa kumbentong eskwelahan na pnasukan ko...pero salamat sa diyos....nakaligtas ako. Nagpapasalamat din ako sa aking paaralan dahi nahubog nila ako sa ating ako ngayon....Buti hindi ako pakawala katulad ng mga taong nakikita at nakikisalimuha sa akin sa kolehiyo

Dito ko rin nakilala ang mga kaklase ko na naging kasama ko hangan sa magtapos kami sa mataas na paaralan...mula sa 40 ay naging 18 na lang kami...marahil ay di nakatagal ang iba...nagpapasalamat ako at nikalala ko sila..ehehehhe

habang ako ay nag-aaral mula elementarya hangang sa highschool naiiba ang akng prinsipyo buhat sa pakikisalimuha at pakikipaglaban sa mahirap na aralin na mayat maya'y gumugulo sa aking paglaaro at pag papahinga...

Pala-laro ako noon..hangang ngayon...mahilig akong maglaro, dumaldal, manukso, mangimpuwensya, gumawa ng kung anong pagkakaguluhan,magyabang at magpangap na magaling sa klase...ito ang mga gawain koh. bukod sa mga natatanging gawain na ito naging madali sa aking ang makisama..lalo na sa mga babae hehehhheheh.....mahilig akong makipaglaro sa kanila...noong nasa pang anim na baitang na ako...malimit akon nakikipagtuksuhan sa mga babae...madalang akong makisama sa mga lalaki sa amin dahi madalas akong tuksuhin at tutsain ng mga ito. sa kasawiang palad ang mga lalaki kong kaklase at kaibigan ay nasulpot lamang sa kawalan kung may ipagagawa silang takdang araln o proyekto. Sa kabuuan at sa maliwanag na bahagi...nagkakabutihan din naman kami...ngunit di ako nasama sa kanila dahil ayaw kong mapagalitan ng aking guro at mapasama sa kanilang katarantaduhan...heeehehe (duwag!)

Matapos ang Elementarya.....magsisimua nanaman ang panibagong kabaryo...ang Highschool
ang ghschool ay iba sa Elementary...mas seryoso at mas magawain ito...Sa kabia ng kanang pagkakaiba...dito ko natutunan ang sarili....maki-isa, makipagaban, ma trabaho at higit sa laha...magmahal...kasabay nito ang masaktan, malugmok, at tangapin ang kasawian ng sadang spirito ng karimlan sa buha nitong pita.

Thursday, October 06, 2005

Sino ako?

Ako ay ako yun lang ang masasabi ko sa nilalang na naglilimbag ng mensaheng kasalukuyan ninyong binabasa....

upang bigyan ng masigasig na introduksyon sa simple at alibughang buhay na naranasan ng isang hamak na nilalang...hayaan kong ikwento sa inyo ang aking buhay noon at ngayon....

Ako ay si Carlos Patiag Depante, caloy kung tawagin ng mga kaibigan at malalapit sa akin , Loy kung tinatamad sambitin ang mga unang letra at kung ma pamilyar ang isang tao sa akin, Mr Depante naman para sa mga professional, teacher, mga di ko pa kilala ng lubusan at mga taong napapasulyap sa kalunoslunos at malaswang apelido, Carlo Ray at Carlos kung galit ang mga tao sa akin, kung damdam ko ang mabantot at maka banyagang pangalan, kung nalulumbay at may problema, kung gustong hanapin ang tunay na kaytauhan, kung hindi handa sa kasalukuyang darating at kung nais maghanap ng kasagutan sa mga tanong na walang kasagutan....
1. Ang simula ng Agos
Isinilang ako sa probinsya ng Nueva Ecija, bayan ng luklukan ng mga nag-aararo...nag-aararo sa patag na kabukiran. malayo sa kabihasanan pero malapit sa kalooban ng simpleng kanayunan. isang araw ay isinugod ang aking nanay sa Ospital Ng Cabanatuan... masigasig na naghintay at nangamba ang aking ama habang sa loob ng silid paanakan ay naire ang aking nanay...sa kabutihang palad...isang malaking luwad ang lumabas sa sinapupunan....ito'y ako...
Sa pagmulat ng aking mga mata'y nakita ko ang aking kapatid at ang aking ina na nag aaruga sa akin. sila ang madalas kong kapiling sa duyang nakasabit sa ceiling. Una kaming nanirahan sa payapang bayan ng Cabanatuan sa bariong Kapitang Pepe ang pangalan.. di ko unang nakita ang kagandahan ng mundo.
Sa di inaasahang pagkakataon ay nilalaro ako ng kung sino sino mga kapitbahay, kasambahya, aso, at mga katrabaho ng aking mga ama...pero ni isang alaala ay di ko matanto...nakikita ko lang sila sa mga letratong kinuha ng aking ama o di kaya ng aking ina....ang alam kulang gawin ay mag-likot, kumain, umiyak, magkalat at magdumi sa higaan at higit sa lahat ay matulog...iyon lang at wala nang iba pa
Mayamaya lamang ay inutusan ang aking ama ng lola kong luka na nanay ng ama kong magaling na dalin kami sa Cabuyao, Laguna....ang bayan ng aking itay.. kaya minabuti ng aking ama na dalhin kami sa Cabuyao...
Sa cabuyao ako nag kamalay at nag simula ang bagong kalbaryo ng buhay...pero nagpapasalamat ako dahil isinilang ang bunso kong kapatid sa nasabing pook...kaya ngayon tatlo na kami. Si Ate ako at ang aking bunsong kapatid. sila ang aking katuwang mula noon hangang ngaun...
Ang simula ng isang agos ay nagmula sa isang patak...hangang sa naipon ang patak na ito upang maging lupon ng tubig...ganito din ang simula ng sadyang buhay.....
Hangang dito na lang muna ang aking pagpapakilala...sa susunood na araw ko na lang ito daragdagan (kung mayroon pang bukas para sa akin)...matraming salamat sa pagbabasa...

Tuesday, October 04, 2005


Ako ay ako

Tao

May pandama

at may kaluluwa...

Unang pahapyaw...isang pambungad sa agos na walang humpay.


Mabuhay!


ito ang unang pasubali na aking sasambitin sa kabaliwan na blog na ito.

ito ay sadyang nilikha upang matutunan ko kayo at matutunan nyo ang hampas lupang inanod ng karagatan sa pangpang ng karimlan at pighati.

Sadyang pustura ang mundong ibabaw sa karangyaang nakabalot at sa materyal na nalkakabulag... di ko alam kung bakit pero may dahilan ang kabaliwang ito....

ang buhay koy simple lamang, sadyang malapit sa sinnig, pagka-Pilipino at pag ka maharot at magasalaw sa sino mang magustuhan....ito ang aking katangian at ito ang aking katauhan

sa ngayon ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng ihip ng hanging amihan at aanurin ng agos ng katauhan...ang mahalaga ay buhay ako....buhay na naglalakad sa walang katiyakan at naghahanap ng di ma waring bagay sa karimlan....balang araw ay malalaman ko din kung ano iyon....kailangan ko lang makiayon sa pwersang pangkadaigdigan at sumulyap sa ikabuturan ng aking nadrararamdaman....