Sunday, November 20, 2005

Ang Batong Puso at ang Pagtibok nito

Mantakin mo! ang bato pala ay maaring gumalaw...gumalaw tulad ng mga dahon sa mga puno at ulap sa kalangitan.Bagkos ang bato ay isang matigas na bagay sa paglipas ng panahon ay nalambot din. ang maliit na bato...mahirap warakin ay nadadala ng agos sa karagatang malalim at titigil lamang kung nasok sa isang kipot, napadpad sa tuyong lupain o di kaya tuluyang lumubog sa karimlan ng dagat na di makapangbitin. Ganito ang nangyari sa tanang buhay ng inyong abang lingkod....

dati ang pagmamahal ay nakatuon lamang sa iilang mga bagay....Sa pamilya (nanay ko mga kapatid kong babae..minsan ang tatay ko at ibang malalapit na kamaganak), sa panginoon, sa ilang kaibigan, sa sarili at sa mga materyal na bagay (katulad ng mga robot ko, pagkain, mga alaga at iba pa). ang pagmamahal sa kaibigan ay nalilimitahan lamang sa kanilang mga panganagilangan at sa pag-gabay lamang sa kanila...wala nang lalagpas doon. Ang pagmamahal sa kabaligtarang kasarian ay sadyang maselan sa akin noon. nagbigay ito ng interpretasyon na hindi pa ako handa para ganitong relasyon at sadyang napakabata ko pa...miski ang pagkakaroon ng paghanga o pagkagusto (crush sa ingles) ay natatago lamang sa akin at kalimitan ay ikanakaila ko dahil iba nga ang ibig sabihin nito sa akin....
Siguro ay di ko pa nga talagang alam (o di kaya mangmang pa ako) noong magdahilan ako noon.
Sa kasawiang palad ay nagbago ang ihip ng hangin...di ko rin ito natigilan....mangmang lamang ang pumipigil sa nararamdaman bagkos ay kailangan itong hawakan ng maigi...nasa tao kung paano niya ito ilalabas at pananatilihin. Una akong nagkaroon ng pagtingin sa isang kaklase na naglaon ay naging aking kaakibat sa highschool....naging masaya kami ng ilang mga taon pero di naglaon ay nalaman ko na masakit pala ang magmahal. Kung ano ang dami ng naibuhos mo ay siya ring dami ng sakit na mararamdaman ko. Dito ako unang napaiyak dahil sa pagmamahal....dito ko unang nasabing kamangmagan ang magmahal....sayang lang ang oras pagod at damdamin na ibinuhos mo dito...malungkot mang isipin di ako nagtatagal sa mga relasyong ito....siguro di ko pa oras....kailangan ko lang maghintay na humupa ang alon at mapadpad sa isang lugar na kukupkop at aangkop n sa munting batong inalon ng emosyon, kakisigan, paghanga at paniniwala sa isang tao....

Nakadalawang relasyon na ako at ni isa sa kanila ay di nagtagal.....siguro kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Natutunanan ko na di ka makakapagmahal kung di mo kilala kung ano ka, kung ano talaga ang gusto mo at kung ano ang tunay mong pakay sa pagmamahal... Bagkos ang pagmamahal ay sadya lamang nalitaw sa bingit ng kalungkutan at pag-iisa...ang paghahanap ng katuwang para sa akin ay di ang tanging paraan...

Siguro matutruan ko ring mahalin ang iba kung naturuan ko nang mahalin ang aking sarili....darating din ang panahon at biglaan lamang na dadaloy sa tuyong mga parang ang agos na bubuhay sa damdaming natigang ng pagkalumbay.....Sa katunayan ay unti unti ko na siyang nararamdaman...di ko alam kung bakit pero sadya itong mistreyoso...alam kong nandito lang iyon ngunit nasa akin kung paano ko bubuksan ang pusong hikaos at ang mga matang nabubulag ng kagandahang huwad....Sanay malaman ko kung nandito na ba o parating pa lamang ang aking hinihintay...

Saturday, November 05, 2005

Ang Mataas na Paaralan

Ang Mataas na Paarlan, ay isa sa mga nagpataas ng aking katauhan, humubog kung ano ba ako, at nanghimasok sa aking kaloob looban. ito rin ang nagsilbing pamantayan ng aking kaalaman at espiritwalidad. dito rin ako natutong makisalimuha ng lubos; sumama sa magugulong tao, maki ayon sa di mo kagustuhan upang maging "in" sa kanila, mapahiya sa maraming tao, maging huwaran, maging anagta sa iba ngunit di pustura sa karamihan, maging linta upang makaagapay, maging tunay na tao, masaktan ng lubusan, at higit sa lahat.....matutong magmahal....magmahal sa kapwa, sa pamilya, sa diyos, sa natatanging iba at sa sarili...dito ko lubusang naintindihan kung ano ba ang buhay, bakit ba tayo nandito at para saan lahat ng ito...

Kung inyong mararapatin, masasabi kong baliw ang aking Mataas na Paaralan. "iba siya sa iba" kakaiba ang aking paaralan dahil sa mga patakaran at pamamalakad na pinapatupad dito. iba ang disiplina at turo sa aming paaralan. kahit sabihin na nating mahina ito sa akademikang matematika at siyensya...natatangi pa rin ang social, ingles, filipino at musika...bagamat medyo sablay sila sa larangan ng religio dahil di ko ito nadadama...nadadala ng mga estudyante and matinding disiplina na pinapabaon sa mga estudyante (ngunit nasa estudyante pa rin kung paano niya ito mapapanatili). Kakaiba din ang aura ng kapaligiran dito, para kang nasa monasteryo dahil bawal ang mag ingat."hold your lips","Speak english""form your line" ito ang mga katagang di ko malimutan sa paaralang iyon. Makikita din ang kabaluktutan ng paaralang ito sa pagmamasid sa mga may hawak na kapanyarihan...ang mga sipsip! Sa maliit na Bario ng Cabuyao, kakaunti lamang ang tunay na mayaman, kalimitan dito ay may kaya o di kaya talagang mahirap. Ang paaralan ko ay itinuturing na isa sa pinaka magandang paaralan sa lugar na iyon kaya walang mapagpilian ang mga pamilyang nasa klas "A" na papasukin ang kanilang anak sa paaralang de klase. Kaya minsan ay namumtawi ang kanilang mga pagkaiba sa ibang mga estudyante sa paarlan... sila minsan ang nagiging alapores ng mga guro. ngunit kahit ganoon man ang nangyari, wala pa ring tatalo sa mga estudyanteng may mga tunay na kakayahan...parati silang nabibigyan ng parangal o di kaya natatangi sa mga karaniwang estudyant ngaun....
Sa ngayon ay malayo na ako sa paaralang ito pero nalulugod pa rin ako na naging parte ako ng institusyong ito...Ako'y nagaglak dahil sa mga sumunod na henerasyon ng eskwelahang ito...napatunayan nila na umaasenso rin ang paaralang ito kahit paano. Marami rin akong maitatapongmga alaala at marami rin akong mababaon na pagpupunyagi, katangisan,hinagpis at pagsasalamat buhat sa paaralang ito na naging bahagi ng aking buhay at ng aking pagkatao.